Wednesday, October 10, 2018

PARA SA HOPELESS ROMANTIC

DIREKTOR:Andoy Ranay
MANUNULAT:Marcelo Santos III
PINAGBIBIDAHAN NILA NI:James Reid | Nadine Lustre | Inigo Pascual | Julia Barretto | AJ Muhlach | Shy Carlos | Jackie Lou Blanco | Teresa Loyzaga | Lander Vera-Perez | Cherie Gil | Paul Jake Castillo | Donnalyn Bartolome | Issa Pressman | Arvic Rivero | Jourdaine Castillo | Rose Van Ginkel | Julian Roxas | King Certeza | Joanna Mae Morales | Jason Salvador




BUOD:
Para sa isang pelikulang pinamagatang 
Para Sa Hopeless Romantic, hindi ito ganoong ka-romantic. Totoo, may attempts na pakiligin ang mga manonood, pero kung susuriing mabuti, ang kilig moments dito ay mas more to do with the love teams kaysa sa mismong kuwento.Based sa nobela ni Marcelo Santos III, supposedly, dedicated ang pelikulang ito sa mga taong in-love sa idea ng love, soulmates, one true love, grand gestures, will-do-anything-for-happy-ending, etc. Hindi ba’t heto ang mga usual definitions ng hopeless romantics? Pero this is not evident hanggang sa mga huling sandali ng pelikula. Yes, may mga throwaway lines/quotable quotes that attempt to point at this direction (“Kung hindi ka happy, hindi pa ‘yun ang ending.”), ngunit for the most part, sinusundan ng mga manonood kung paano naging bitter at disillusioned na si Becca (Nadine Lustre) sa true love at happy ending.

Marahil ang mensaheng gustong iparating ng pelikula sa kabuuan ay: huwag sumuko, dahil kung ang dalawang tao ay nakatadhana sa isa’t-isa, magkakatuluyan sila sa huli. And this is a good thing, pero it’s not that evident in the movie. Besides, parang lumalabas na sa tadhana lang inilaan ang lahat; naghintay na lang. Hindi ba ang mga hopeless romantics will do all it takes to be with the person they love? In the end, parang ang babaw ng lahat ng conflict na dinanas ng mga tauhan. (Then again, this is young love we are talking about…)
Issues with the story aside, PSHR is not that hopeless either, thanks to Andoy Ranay’s (Talk Back and You’re Dead) directing and the overall production. Maganda ng cinematography nito: the lighting and the colors clearly differentiated Becca’s fantasy/fictional world (brighter costumes, i.e., puro pink at pastel) from her reality (more somber), at minsan pa nga, how one world transitions to the other ay seamless din (very good editing!). Mayroon ding mga moments na pinapakita ang parallelism ng dalawang storyline, as if to show na kung ano man ang sinusulat ni Becca, based pa rin ang mga ito on her own experiences. At to be fair, ingenious ang paggamit ng ng vandalized desk as a plot device.
Okay din ang acting at chemistry na dalawang love teams (JaDine at JulNigo forever!). Although it is not surprising based sa billing ng pelikula na mas maraming JaDine scenes (the plot called for it anyway), maayos naman as Maria at Ryan sina Julia Barretto at Inigo Pascual. Nadine Lustre makes crying easy–she’s that good when the scene calls for it. The supporting cast is also good; medyo cliche lang yung ibang characterization, pero okay pa rin. Special mention kina Cherie Gil, Teresa Loyzaga, and Shy Carlos for stealing some of the scenes from the leads.
(Aside: sana lang hindi masyadong pinilit mag-Filipino si James Reid dito dahil minsan distracting yung accent n’ya and may even have hindered him to perform better. But this is a very minor nitpick.)
Hindi meant to be groundbreaking nor to be a very exciting movie experience ang PSHR. The subject is not new: ito yung tipo ng pelikulang alam mo na ang ending. Pero baka patulan mo pa rin, not just because fan ka ng mga actors, but also because, well, may tamang kilig ito. ♦
Image result for para sa  hopeless romantic
DESENYO NG PRODUKSYON: maganda ang pag desenyo at ito rin ang nakapagdaragdag ganda sa pelikula
TUNOG: pasok na pasok ang tunog at ito rin ang nag bibigay saya sa pelikula
DERIKSIYON: ito ay pumatok dahil ito ay nakakatawa ang may maraming aral
PAG EEDIT: maganda ang pag edit ng pelikula at ito rin ang isang dahilan kong bakit pumatok ang pelikulang
PAG IILAW:MEdyu may kulang sa pag-iilaw dahil may part na di masyadong makikita ang ibang mga karakter